Mga pulitiko hinimok huwag maging epal sa ‘Undas’

0
63

Hinimok ng Ecowaste Coalition ang mga pulitikong huwag magpaka-epal ngayong Undas.

Sinabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition na hindi dapat samantalahin ng mga pulitiko ang Undas para maka pangampanya sa pamamagitan ng pamamahagi ng leaflets o mag paskil ng tarpauilins sa mga sementeryo.

Ayon kay Lucero, hindi biodegradable at may toxic content ang tarpaulins habang dagdag basura lamang ang mga leaflet.

Hindi aniya dapat gawing common poster area ang mga sementeryo at mga lansangang patungo sa mga lugar na ito.

Umapela si Lucero sa mga administrator ng mga libingan na tuluyan nang ipagbawal o i-ban ang pamamahgi ng leaflets, commercial man o political maging ang pagkakabit ng tarpaulins ng kahit sinong pulitiko laban na rin sa partisan politics.