Duterte pinasususpindi ang pag-proseso ng mga bagong lisensya ng mga paputok

0
52

Pinasususpindi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag proseso sa mga bagong lisensya at permit para sa pag manufacture, pagbebenta at pamamahagi ng mga paputok at pyrotechnic devices.

Nakasaad ito sa Memorandum Order (MO) 31 na nilagdaan na pangulo sa gitna na rin nang pag-repaso sa pagsunod sa batas ng mga una nang nabigyan ng lisensya at permit.

Inatasan ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na makipag ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) para mag inspeksyon at matiyak na sumusunod sa mga regulasyon ang mga manufacturer, distributor, retailer at users ng firecrackers at pyrotehcnic devices.

Pinakukumpiska at pinasisira rin ng pangulo ang mga masasabat na iligal na paputok at mga ipinagbabawal ng pyrotechnic devices lalo nat ginamit ito sa labas ng community fireworks display na paglabag sa Executive Order (EO) 28.