Pagpapalawig ng ‘Bayanihan to Heal as One’ act posibleng maipasa ngayong linggo

0
17

Maaaring maipasa ngayong linggo ang pagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act na magbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Senador Sonny Angara, posible ito kung sesertipikahang ‘urgent’.

Gayunman, sinabi naman ni Angara na hindi pinapayagang makapagsagawa ng special session ang Senado sa kasagsagan ng sine die adjournment.

Magugunitang isinulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill No. 1546 noong nakaraang linggo upang mapalawig ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang ika-30 ng Setyembre ng kasalukuyang taon.