Mga private schools maaaring magsimula ng klase ng mas maaga sa pamamagitan ng online class —DepEd

0
27

Uubrang magsimula ng kanilang online classes ng  mas maaga sa August 24 ang mga pribadong paaralan

Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones bagamat dapat ay mayruon itong go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ni Briones na dapat ding tiyakin ng private schools na susunod sila sa ipinatutupad na panuntunan ng department of health partikular ang pagbabawal sa face to face interaction.

Kasabay nito, ipinabatid ni Briones na isinasapinal na ng Department of Education ang Learning Continuity Plan (LCP) kung saan ide-detalye ang mga pagbabago sa polisiya na kailangan para tiyaking hindi maaapektuhan ang sektor ng edukasyon sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.