Pinakamaraming recoveries sa COVID-19 naitala sa magdamag

0
21

Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga naka recover sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na magmadag.

Ayon sa Department of Health (DOH), 112 ang mga bagong gumaling mula sa sakit kayat nasa 1,618 na ang total recoveries.

Pumapalo na sa 685 ang kabuuang death toll matapos madagdag ang 27 bagong nasawi dahil sa COVID-19.

Nasa 329 ang mga bagong  kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras kayat mayruon nang kabuuang 10,343 ang confirmed COVID-19 cases mula nang pumutok ang outbreak nuong Enero.

205 kaso ay mula sa Central Visayas; 110 sa National Capital Region; at 24 ay mula sa ibat-ibang rehiyon.