Mga positibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City nadagdagan pa

0
20

Nadagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, sumampa na sa 29 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod kung saan 15% aniya ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay mula sa Quezon City.

Gayunman, sinabi naman ni Belmonte na hindi na niya ikinagulat pa ang mataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod dahil ang Quezon City aniya ay 25% ng kabuuang lawak ng Metro Manila.

Iniisa-isa naman ng Alkalde ang lugar kung saan naitala ang mga kaso ng COVID-19 kung saan kabilang dito ang mga barangay ng:

–               Del Monte

–               Maharlika

–               San Isidro Labrador

–               Bagong Silangan

–               Socorro

–               E. Rodriguez

–               Ugong Norte

–               White Plains

–               Marilag

–               South Triangle

–               Paligsahan

–               Valencia

–               Dona Imelda

–               Pasong Putik

–               Mabagbag at Pasong Tamo

Naitala sa mga nabanggit na barangay ang tig-isang kaso ng COVID-19 habang dalawang kaso naman ang naitala sa barangay Matandang Balara.

Habang tig-tatlong kaso naman sa barangay Crame, Kalusugan, at Tandang Sora.

Sinabi rin ni Belmonte nasa 16 na residente rin sa lungsod ang persons under investigation (PUI) habang 55 naman ang persons under investigation (PUM).

Sa ngayon, tiniyak naman ng alkalde ang patuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon para sa kaligtasan ng kanilang mga residente at para sa agarang paggaling ng mga tinamaan ng COVID-19.