Friday, May 17, 2024

Mga positibo sa COVID-19 sa bansa mahigit 200 na

- Advertisement -

Sumampa na sa higit 200 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) kung saan nadagdagan pa ng 15 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaugnay nito, nadagdagan din ng tatlo ang naitalang nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19 matapos na sumampa sa 17 ang bilang ng mga nasawi.

Gayunman, ipinagmalaki rin naman ng DOH na kasabay ng paglobo ng COVID-19 cases sa Pilipinas ay patuloy ring nadaragdagan ang bilang ng mga nakare-recover sa sakit.

Sa ngayon kasi nasa pitong pasyente na ang tuluyang bumuti ang kalagayan mula sa impeksyon ng naturang virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -