Mga Pinoy sa Saudi Arabia pinag-iingat

0
50

Nanawagan ang Philippine Embassy sa Saudi Arabia sa mga Pilipino doon na mag-ingat at maging vigilant matapos atakihin ng Houthi rebels ang isang airport sa southwestern region ng bansa.

Sinasabing 26 katao ang nasugatan sa naturang missile attack sa Abha International Airport.

Bagamat walang naapektuhang Pilipino, tiniyak ni Philippine ambassador Adnan Alonto ang patuloy na pagmonitor ng embahada at konsulado sa sitwasyon sa Saudi Arabia.

Pinayuhan ang mga Pilipino sa Saudi na kaagad kontakin ang embahada o konsulado sa anumang insidenteng may kinalaman sa kanilang seguridad at sitwasyon nila sa pangkalahatan.