22 Pinoy fishermen nakabalik na sa Occidental Mindoro

0
55

Ligtas nang nakabalik sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Pilipino na sakay ng lumubog na F/B GIMVER 1 makaraang mabangga ito ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ito mismo ang kinumpirma ni Agriculture sec. Emmanuel Piñol kung saan ibinahagi rin nito ang status report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ukol sa insidente.

Anya, sinalubong ang mga mangingisda ni BFAR regional dir. Elizer Salilig kung saan nakatanggap rin ang bawat isa sa mga ito ng isang sakong bigas.

Kasabay nito, sinabi rin ni Piñol na tiniyak rin ni Salilig na makatatanggap ang mga ito ng tig-iisang fiberglass boat.

Matatandaang labis na ikinaalarma ng ilang opisyal ng gobyerno ang nangyaring insidente na kinasangkutan ng mga mangingisdang Pinoy at Chinese.