497,000 paglabag sa mga ordinansa naitala sa Metro Manila

0
49

Aabot sa halos kalahating milyon ang naitalang lumabag sa iba’t-ibang ordinansa sa Metro Manila sa nakalipas na limang buwan.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan pumalo na sa 497,000 ang nahuli dahil sa paglabag sa mga ordinansa.

Sa naturang bilang, malaking bahagi nito ay dahil sa paglabag sa smoking ban kung saan umabot sa 139,000 ang naitalang lumabag.

Sumunod naman ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas na nasa 31,000, habang nasa 22,000 naman ang nahuli dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada.

Samantala, nasa mahigit 200,000 pa naman ang nahuli dahil sa paglabag sa ibang ordinansa.