Mga Pinoy overseas na nagpositibo sa COVID-19 nadagdagan pa

0
14

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipino na nasa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 654 na ang mga Pilipino na nagpositibo sa sakit mula sa 40 bansa sa buong mundo.

Halos 400 dito ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital habang 84 naman ang naitalang nasawi sa sakit.

Samantala, naitala naman sa bahagi ng Asia Pacific Region ang pinakamaraming kaso ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19.