Singil sa kuryente ngayong Abril tataas

0
14

Tataas na ang singil ng kuryente ngayong buwan ng Abril.

Batay sa abiso ng Meralco, ipatutupad nila ang P0.10/kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryente.

Dahil sa dagdag-singil, ang dating electricity rates na P8.8901/kwh noong buwan ng Marso ay magiging P8.9951/kwh na ngayong Abril.

Katumbas nito ang P21 karagdarang bayarin para sa mga kokonsumo ng 200kwh kada buwan, P31.50 sa kada 300kwh, P42 sa 400kwh habang P63 naman sa 500kwh kada buwan.

Paliwanag ng Meralco, ito ay bunsod ng pagbabalik sa normal ang lebel ng universal charge.

Bagamat may dagdag-singil, tiniyak naman ng Meralco na mayroon pa ring 30-day payment extension para sa kanilang mga customer habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).