Impormasyon ng COVID-19 patient isasapubliko na —Nograles

0
27

Isasapubliko na ang personal na impormasyon ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson Karlo Nograles para aniya makatulong sa contact tracing o paghahanap sa mga taong nakasalamuha ng pasyenteng nagpositibo sa sakit.

Ani Nograles, gagawing mandatory na ang paglalahad ng personal na impormasyon pagdating sa mga may kaso ng COVID-19.

Ang mga impormasyong isasapubliko aniya ay alinsunod sa gagawing kasunduan sa pagitan ng Office of the Civil Defense (OCD) at Department of Health (DOH) na naaayon naman sa data privacy act.

Una rito, nanawagan ang grupo ng mga abogado at doktor na ilabas ang medical records at personal na impormasyon ng mga pasyente upang mas maging epektibo ang ginawagang contact tracing.