Radio Philippines Network
Headlines National News

Mga Pinoy na nagsasabing bumuti ang kanilang buhay bahagyang bumaba — SWS

Natapyasan ng dalawang puntos ang mga adult Filipinos na nagsasabing bumuti ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS survey, bumaba ito sa +11 sa 3rd quarter mula sa dating +13 noong second quarter ng 2019.

Isinagawa ang survey mula September 27 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa SWS, 36% ng mga adult Filipinos ang naniniwalang guminhawa ang kanilang buhay at 25% naman ang nagsasabing mas hirap daw ang kanilang buhay sa huling 12 buwan.

Lumalabas din sa survey na bumaba rin ng tig-isang porsyento ang net “personal optimists” at “economic optimists” ng mga Pilipino.

Related posts

Arraignment sa kaso ni Maria Ressa ipinagpaliban

Powered by DWIZ

Eroplano nawawala sa Mindoro

Powered by DWIZ

Albayalde pinamamadali ang pagsibak sa isang pulis na sangkot sa droga

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More