Radio Philippines Network
Headlines National News

Bagyong ‘Ramon’ inaasahang magla-landfall na bukas o sa Martes

Inaasahang maglaland fall na ang bagyong ‘Ramon’ bukas ng gabi o madaling araw ng Martes sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong ‘Ramon’ sa 415 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa sentro at may pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.

Nakataas parin ang tropical cyclone signal number 1 sa silangang bahagi ng Cagayan, Isabela at hilagang bahagi ng Aurora.

Samantala, nagbabala ang PAGASA sa maaaring pagbaha at landslide sa mga lugar na nabanggit.

Related posts

PNP naghahanda na sa 2022 Presidential Election

Powered by DWIZ

Aquino kumbinsidong may mga PDEA agents na sangkot sa illegal drugs ‘recycling’

Powered by DWIZ

Pork barrel funds meron pa rin — Colmenares

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More