Radio Philippines Network
Headlines National News

‘Permit to carry firearms’ sa mga lugar na paggaganapan ng 30th SEA Games suspendido

Pansamantalang sinuspinde ng pambansang pulisya ang permit to carry firearms outside of residence sa ilang lugar ng Luzon bilang bahagi ng ipinatutupad na security measures para sa nalalapit na 30th Southeast Asian o SEA Games.

Base sa PNP memorandum na may petsang November 5, ipinag-utos ni PNP Officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang paghold sa PTCFOR sa mga lugar na pagdarausan ng SEA Games mula Nobyembre 20 hanggang December 14.

Kinabibilangan ang mga ito ng mga lugar sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at La Union.

Layun umano ng PNP na matiyak na magiging maayos at ligtas ang pagdaraos ng SEA Games para sa mga lokal at mga foreign athletes.

Tanging pinahihintulutan lamang makapagdala ng baril ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agency.

Related posts

Lapeña ipapatawag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee

Powered by DWIZ

3,000 COVID-19 test kits ido-donate ng Singapore sa Pilipinas

Powered by DWIZ

Panukalang hatiin sa 4 ang Barangay Muzon, San Jose del Monte City sa Bulacan, isinusulong sa Kamara – Rep. Rida Robes

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More