30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga Pinoy na nagbalik bansa na nagnegatibo sa COVID-19 umabot na sa 18,000

- Advertisement -

Umabot na sa higit 18,000 mga Pinoy na nagbalik bansa simula noong 12 ng Hunyo hanggang ngayong araw, 24 ng Hunyo ang negatibo sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng sub-task group para sa repatriation ng OFW’s, may kabuuang 18,213 na mga nagbalik bansa na mga OFW’s at non- OFW’s ang nagnegatibo sa virus, ayon sa resulta ng isinagawang RT-PCR test sa mga ito.

Kasunod nito, maaaring makita ang buong listahan ng mga Pinoy na nagnegatibo sa virus sa website ng coastguard sa coastguard.gov.ph

Ang mga nagbalik bansang mga Pinoy na kabilang ang pangalan sa naturang listahan, ay maaarin nang tauhan ng PCG o OWWA sa kani-kanilang mga quarantine facilities upang maproseso na ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Bukod pa rito, oras na dumating ang mga ito sa PITX o kaya’t sa NAIA terminal 2, ay bibigyan sila ng quarantine clearance bilang patunay na sumailalim sila sa tamang proseso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -