28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 9.3 milyon na

- Advertisement -

Tumuntong na sa higit 9.3 milyon ang naitatalang kumpirmado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Sa datos, may kabuuang 9,343,220 na ang global cases ng nakamamatay na virus.

Sa naturang bilang, naitala rin ang 478,000 na nasawi, habang higit 5 milyon naman ang nakakarekober o gumaling na sa COVID-19.

Bukod pa rito, higit 3.8 milyon naman ang nanatiling active cases, kung saan tinatayang 57,000 rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, sa kapehong bulletin, nitong nakalipas na magdamag, pumalo sa higit 160,000 ang bagong kaso ng COVID-19 at mahigit 5,000 naman ang mga bagong nasawi dahil sa nakamamatay na virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -