Mga pasahero ng PAL pinayuhang pumunta ng maaga

0
16

Pinayuhan ng Phil. Airlines (PAL) ang mga pasahero na magtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA0 nang mas maaga kaysa sa kanilang nakatakdang flights.

Batay sa abiso ng PAL, sinabi nito na dapat maglaan ang mga pasaherong lalabas ng bansa ng apat na oras bago ang kanilang scheduled flights para sa mga karagdagang screening measures dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Nakasaad din sa abiso ng PAL na pansamantala munang hindi magagamit ang immigration e-gates sa NAIA para sa mga may hawak ng Philippine passport.

Dahil dito, kinakailangang kumuha ng bawat pasahero ng arrival cards at sumailalim sa screening procedure bago pumunta sa immigration counters.