Mga lugar na apektado ng COVID-19 pwedeng magsuspinde ng klase — DepEd

0
40

Pinahihintulutan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsususpende ng klase sa mga lugar na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa memornadum order ng deped, otorisado ang mga regional director, school division supt. At pinuno ng mga paaralan na mag-suspendi ng klase.

Sa abiso ng DepEd, nakasaad na maaring mag-suspende ng klase ang ilang mga paaralan sa isang lungsod o munisipalidad kung mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Habang maari lamang suspendihin ang klase sa buong lungsod o lalawigan kung mayroon ng community-level na transmission ng sakit.

Sa ngayon, binigyang diin naman ng DepEd na nananatiling supendido ang lahat ng regional at national events ng mga paaralan habang mayroong banta ng COVID-19 sa bansa.