Saturday, May 18, 2024

Mga Pagamutan na dedikado sa mga pasyenteng mag popositibo sa COVID-19 dapat tukuyin ng DOH —Garin

- Advertisement -

Dapat na tukuyin ng Department of Health (DOH) ang mga pagamutan sa bansa na dedikado para sa mga pasyenteng mag popositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang apela ni Iloilo Rep. Janette Garin at dating kalihim ng DOH sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay Garin, dapat kasing mayroong italagang pagamutan ang DOH na tututok lamang sa kaso ng COVID-19.

Bukod aniya sa mapadadali nito ang pagsusuri, at mas matutukan ang recovery ng mga pasyente ay mapipigilan din nito ang pagkalat virus.

Sinabi nito, hindi naman kailangang gayahin ng Pilipinas ang naging hakbang ng China na nagtayo ng pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19, ngunit dapat aniyang magtalaga ang ahensiya ng pagamutan para lamang sa COVID-19 patients.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -