Saturday, May 4, 2024

COVID-19 cases sa Quezon City nadagdagan pa

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19)  sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, naitala ang dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan natukoy sa lugar ang anim sa 52 kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Belmonte, isa sa panibagong kaso ang isang 26 na taong gulang na lalaki kung saan posible aniyang nahawa lamang ito matapos na-maconfine sa ospital dahil sa pagkakaroon ng dengue.

Habang ang ikalawang bagong kaso naman ay isang 99 na taong gulang na babae. Hindi naman tinukoy ni Belmonte kung mayroong itong travel history sa ibang bansa.

Sa ngayon tiniyak ni Belmonte na ipatutupad nila ang mas pinaigting na contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

A province quarantine is advised when there are atleast 2 positive cases in the same area

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img