Pagsasara ng Batasan Hills Tunnel sa QC ipinagpaliban

0
42

Ipinagpaliban ang una nang itinakdang gabi-gabing pagsasara ng Batasan Hills Tunnel sa Quezon City bilang bahagi ng MRT-7 project.

Magugunitang sa abiso ng mrt MRT-7 traffic task force, simula kagabi ng alas-10 hanggang June 17 ay dapat gabi-gabing isasara sa mga motorista ang nasabing tunnel.

Magpapalabas na lamang ng panibagong abiso kung kailan tuluyang isasara ang nasabing tunnel.

Kapag natuloy ang closure ng Batasan Hills Tunnel, ang mga apektadong motorista na galing sa IBP Road at patungong Elliptical Road ay kakanan sa Commonwealth Avenue at kailangang mag-‘u turn’ sa bahagi ng Coa.