Pagsuporta ng Amerika sa Pilipinas laban sa China kinuwesyon ng isang mambabatas

0
44

Pinasisilip ng isang mambabatas sa Kamara ang patuloy na pagpapadala ng mga barkong pandigma ng Amerika sa teritoryo ng Pilipinas

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, nagpapanggap lang ang Amerika na kaalyadong bansa subalit ang tunay na layunin nito ay bantayan ang pilipinas upang manatili ito sa kanilang nasasakupang bansa

Hindi aniya maitatanggi na patuloy pa rin ang Amerika sa pagpapakalat ng kanilang Missile Launchers at Combat Ships na direktang nanghahamak naman sa soberenya at seguridad ng Pilipinas

Magugunitang ipinadala ng Amerika ang isa sa mga barkong pandigma nito na USS Montgomery sa Davao City bilang pagpapakita ng suporta sa Pilipinas kasunod ng ginagawang panghihimasok ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo