Mga OFW na babalik sa bansa dapat isailalim sa PCR-based test

0
26

Dapat na isailalim ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) na papasok ng bansa sa isang PCR-based tests.

Ito ang panawagan ni Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., dahil ang polymerase chain reaction test (PCR) ang tama o accurate na COVID-19 test.

Aniya, dapat na isailalim sa PCR-based test ang mga OFW’s sa unang araw nang pagsailalim ng mga ito sa quarantine upang agad na malaman ang resulta ng COVID test ng mga ito.

Sinabi ni Velasco, ang hirit na ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng virus lalo na’t karamihan ng mga umuuwing OFW’s sa bansa ay nag popositibo sa COVID-19 ngunit inaabot pa ng ilang araw bago lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Dagdag pa ni Velasco, dapat din na mag negatibo na muna sa PCR-based test ang mga OFW bago ito bigyan n certificate ng Dept. of Health dahil mayroong mga ulat na nagpopositibong mula sa COVID-19 ang mga OFW’s pagkauwi ng mga ito sa kani-kanilang mga probinsya.