Kontribusyon ng mga OFW sa PhilHealth dapat ipagpaliban muna — Sen. Go

0
19

Dapat na munang ipagpaliban ng PhilHealth ang karagdagang buwang kontribusyon para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ito ang naging reaksyon ni Senate Committee on health Chairman Christopher “Bong” Go sa direktiba ng PhilHealth na gawing 3% ng buwanang sahod ng mga OFW’s ang kanilang premium contribution.

Ayon kay Go, dapat munag suriin ng PhilHealth ang lahat ng posibleng hakbang upang hindi mahirapan ang mga OFW’s lalo na’t nasa gitna ng krisis ngayon ang Pilipinas.

Aniya, sa panahon ngayon umaasa ang publiko sa anumang tulong na maibibigay ng pamahalaan, kaya’t dapat mabigyan sila ng palugit dahil kailangang-kailangan nila ngayon ang pera para pantustos sa kani-kanilang mga pamilya.

Kaugnay nito, pinalilinaw din ni Go sa PhilHealth ang kanilang mga pinalalabas na impormasyon upang hindi malito ang publiko.