Mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 umabot na sa 10,000

0
33

Pumalo na sa 10,000 ang bilang ng nasawi sa iba’t-ibang mga bansa at teritoryo sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Pinakamarami rito ay mula sa Italy kung saan umabot na sa 3,405 habang 3,248 naman sa China.

Nakapagtala naman ng panibagong bilang ng nasawi ang Iran na mayroong 149.

Dahil dito umabot na sa 1,284 ang death toll ng nasabing bansa.

Samantala sa kabuuan mayroon nang 245,600 ang naitang kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang mga bansa at teritoryo na apektado ng sakit.