Meralco may anunsyo kaugnay sa nangyayaring enhanced community quarantine sa buong Luzon

0
24

Inanunsyo ng Meralco na pansamantalang matitigil ang pagpapadala nila ng meter readers sa bahay-bahay.

Ito’y bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Dahil dito hindi muna makakapagpadala rin ng electric bills.

Sa abiso ng Meralco, ibabatay muna sa average ng konsumo noong nakaraang tatlong buwan ang meter reading na naka schedule sa pagitan ng March 17 hanggang April 14, 2020.

Sakaling may sumobra naman o nagkulang sa aktwal na naging kunsumo ay i-aadjust na lamang sa susunod na billing cycle.

Una rito, sinabi ng Meralco na magbibigay sila ng isang buwang payment extension sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.