Thursday, May 2, 2024

Mga nakuhang patay na baboy sa Marikina River pumalo na sa 58

- Advertisement -

Pumalo na sa 58 ang kabuuang bilang ng nakuhang mga patay na baboy sa Marikina River mula noong nakaraang linggo.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, humingi na sila ng tulong sa Department of Agriculture at Rizal Provincial Government para matukoy ang pinagmulan ng mga baboy.

Ito ay kasunod na rin aniya ng nakuha nilang impormasyon na posibleng nagmula sa Rodriguez o San Mateo sa Rizal ang mga nakuhang patay na baboy.

Ikinadismaya rin ni Teodoro ang lumabas sa kanilang imbestigasyon na posibleng sinadya ang pagtapon ng mga patay na baboy sa ilog.

Kaugnay nito, sinabi ni Teodoro na kanila nang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act at Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act laban sa mga hog raisers na mapatutunayang nagtapon ng mga patay na baboy sa ilog.

“Ang hinihintay po namin, matukoy po nila at ma verify yung information na yun at yung information na makukuha po namin sa Department of Agriculture at doon sa mga LGU ng Rizal ay yun po ang aming gagamitin na impormasyon for the filing of the case,” ani Teodoro — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img