Mga nakasalamuha ng isang preso na pinaghihinalaang nasawi sa COVID-19 nasa 20 katao

0
11

Nasa dalawampu katao ang nakasalamuha ng isang preso na pinaghihinalaang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat, ang nasabing pasyente ay hindi sumailalim pa sa COVID-19 testing ngunit pinaghihinalaang infected siya ng sakit.

Ayon naman kay Dr. Rolly Cruz, isinailalim na sa quarantine at isolation ang mga na-exposed sa nasabing preso at nagsagawa na rin sa mga ito ng test at hinihintay na lamang ang resulta.