Lugi ng ekonomiya dahil sa ECQ bunsod ng COVID-19 posibleng umabot sa higit P1-T —Quimbo

0
24

Posibleng umabot sa mahigit P1-trilyon ang lugi sa ekonomiya ng bansa dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y sa pagtataya ni Marikina Representative Stella Quimbo dahil sa epekto ng ECQ sa mga negosyo sa bansa.

Sinabi ni Quimbo na nanganganib maapektuhan ng krisis dahil sa COVID-19 ang nasa 29-milyon sa 41-milyong nagtatrabaho sa bansa.

Nakadepende pa umano ito sa lagay at kakayahan ng kumpanya kung pagkatapos ng lahat ng ito ay gaano kabilis silang babangon kasama ng kanilang mga empleyado.