4 OFWs dismayado sa OWWA

0
10

Dismayado ang apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos na iwanan sila sa isang bus terminal sa Calamba, Laguna.

Kwento ng isa sa apat na OFW, sila ay mula sa United Arab Emirates (UAE) at agad naman silang hinatid ng OWWA patungo sa nasabing bus terminal.

Sa una aniya, ang alam nila ay tagpuan lamang ang bus terminal dahil sa pag-aakalang dadalhin sila sa hotel o kung saan man maaaring pansamantalang tumuloy.

Ngunit iniwan na lamang umano sila sa bus terminal at hind nila umano kabisado ang lugar at kung paaano makakauwi.