Mga naghahatid ng pagkain sa Luzon dapat hindi maantala — DA

0
28

Dapat na hindi maantala ang walang humpay na paghahatid ng pagkain sa buong rehiyon ng Luzon.

Ito ay sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ito ay upang manatiling suplay ang sapat ang suplay at produksyon ng pagkain sa buong rehiyon.

Dagdag pa ni Dar, lahat dapat ng pagkilos na may kaugnayan sa agricultural production, processing at marketing maging ang delivery at paggalaw ng mga cargo sa Luzon ay hindi dapat na maantala.