DOH nagbabala na posibleng sumampa ng 75,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa

0
15

Posibleng sumampa sa 75,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa susunod na tatlong buwan.

Ito ang babala ng Dept. of Health (DOH) kung hindi magkakaroon ng maayos na kooperasyon ang mga stakeholders sa kanilang kagawaran.

Ayon kay Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, tinatayang aabot sa higit 75,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng buwan ng Hunyo kung hindi maipatutupad ng maayos ang mga umiiral na protocols, at kung hindi makikipag-ugnayan sa DOH ang mga iba pang ahensiya  ng pamahalaan at ang publiko.

Gayunman, sinabi naman ni Vergeire na ito ay pagtataya lamang ng kanilang epidemiologist at maari pang mapigilang humantong sa naturang bilang ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa.