Thursday, May 9, 2024

BuCor namahagi na ng disposable masks sa mga preso dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Ipinamahagi na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga disposable face masks sa mga preso nasa kanilang kustodiya sa gitna ng tumaas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Bucor Spokesperson Col. Gabriel Chaclag, wala pang persons under investigation (PUI) at kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lahat ng kanilang pasilidad kabilang na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Chaclag na ‘off limits’ muna sa mga bisita ang BuCor maliban na lamang sa delivery ng mga pagkain ngunit kailangan muna nitong dumaan sa mahigpit na screening.

Dagdag pa ng opisyal, pinayuhan na rin nila ang mga preso na huwag munang magtipon-tipon sa harap ng pina-iiral na social distancing ng Dept. of Health (DOH) upang maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit.

Sa ngayon, inilunsad na rin ng BuCor ang information drive upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga preso kung paano makaiiwas sa naturang sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img