Wednesday, May 8, 2024

Mga nagbandalismo sa mga establishments na pag-aari ng gobyerno pinahuhuli

- Advertisement -

Pinatutugis na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod ng bandalismo sa mga establisyementong pag-aari ng pamahalaan.

Ito mismo ang ipinag-utos ni DILG Sec. Eduardo Año matapos igiit ng grupong panday sining na ‘hindi makatarungan’ ang nangyaring pag-aresto sa apat na miyembro ng kanilang grupo.

Ayon kay Año, nagsusumikap ang gobyerno na magkaroon ng kaayusan at kalinisan ngunit pilit aniya itong binababoy ng mga hindi marunong sumunod sa patakaran.

Aniya, imbes na tumigil ay patuloy pa rin ang mga ito ay pagsalaula sa kapaligiran at panahon na para maturuan ang mga ito ng leksyon.

Iginiit pa ng kalihim na hindi malaking drawing board o canvas ang kalakhang Maynila kaya’t hindi tama na gawin itong instrumento ng mga grupo para ipahayag anumang ang kanilang saloobin.

Matatandaang, naging mainit ang tensyon sa pagitan ni Manila Mayor Isko Moreno at ng cultural group na Panday Sining kaugnay sa pag-vandalize ng mga ito sa underpass sa Lagusnilad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img