Saturday, May 4, 2024

Mga Mula Sa Labas Ng Bicol Na Walang Maipi-Presentang Negative RT-PCR Test Result, Sasailalim Sa Mandatory Quarantine; Virus Early Detection Sa Border Point Ng Camarines Sur, Rason Ng Mataas Na Bilang Ng COVID-19 Cases

- Advertisement -

Sinimulan na ng Provincial Government ng Camarines Sur ang mas mahigpit na patakaran sa Del Gallego Border Point nitong Marso 26, 2021 para sa mga galing sa labas ng Bicol Region.

Unang sinabi ni Governor Migz Villafuerte sa kaniyang inilabas na video na No RT-PCR Test Result No, Entry. Ilang oras ang nagdaan inilabas nito ang Executive Order No. 4 nakasaad na lahat pa rin naman daraan sa rapid swab antigen testing sa Del Gallego Border Point.

Ipinaliwanag ni Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) Chief/ Incident Management Head Che Bermeo na maaari pa naman silang makapasok kung walang negative RT-PCR Test result subalit daraan sa 14-days mandatory quarantine sa pasilidad ng munisipyo kahit pa mag negatibo sa rapid swab antigen testing.

Ang mga daraan lamang sa lalawigan ay hindi na required sa nasabing proseso subalit kailangan ipresenta ang kanilang I.D at iba pang patunay na sila ay hindi uuwi sa probinsya bagkos daraan lamang halimbawa mga papunta ng Albay at karatig lalawigan.

May mga tutol sa aksyong ito ng Provincial Government subalit ayon kay Governor Villafuerte, mainam ang virus early detection upang hindi na ito maipasa sa mga komunidad tulad noong unang dalawang linggo ng pagsasagawa ng rapid swab antigen testing, 18 kaagad ang nag positibo sa border.

Nitong mga nagdaang araw, karamihan din sa nagpopositibo sa COVID-19 ay may mga travel history na detected early din sa border point.

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img