Mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ‘Rosita’ bibigyan ng ‘alternative jobs’ ng DOLE

0
47

Tiniyak ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na bibigyan nila ng alternatibong trabaho o emergency employment ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sa pananalasa ng bagyong Rosita.

Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na maglunsad ng mga proyekto upang matulungan ang mga nawalan nang pagkaka-kitain matapos ang kalamidad.

Nilinaw naman ni Bello may sapat na proyekto ang tanggapan ng DOLE upang bigyan ng hanapbuhay ang mga manggagawa sa Northern Luzon.