Ikinalungkot ng pamunuan ng Department of Tourism (DOT) ang pagsuway ng ilang turista sa mga regulasyon na inilatag ng Boracay Inter-Agency Task Force, para sa proteksyon at preserbasyon ng isla.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, nakatanggap na agad sila ng ilang ulat nang paglabag sa mga alituntunin ng isla, isang linggo matapos itong muling buksan sa publiko.
Sinabi ni Puyat na ilan sa mga report na kanilang natanggap ay ang paninigarilyo at pag-iinuman ng ilang turista sa Boracay.
Matatandaang, una nang binalaan ng kalihim ang mga turista at negosyante sa istriktong implementasyon ng lokal na ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Ang mga mahuhuli aniya ay bibigyan ng ‘citation tickets’ ngunit ipapasara na ang establisyimento kung patuloy na susuway sa patakaran ng Boracay.