Isang doctor nakiusap na maging tapat para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

0
28

Nakikiusap ang isang doktor sa publiko na maging tapat sa mga kinauukulan upang hindi na kumalat pa ang coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay matapos na mapaulat na isang doktor ang nag positibo sa coronavirus disease matapos na hindi aminin ng isang pasyente ang kaniyang travel history sa bansang apektado ng COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni Gino Natividad, isang internal medicine resident sa World Cit      i Medical Center na marami kasing pasyente ang nagsisinungaling sa kanilang medical at travel histories na naglalagay sa mga medical staff sa kapahamakan.

Sinabi ni Natividad na wala namang dapat ikatakot ang mga pasyente kung kanilang aaminin na mayroon silang travel history o direct exposure sa mga nag positibo sa sakit, bagkus ay nangangahulugan lamang ito na makatatanggap sila ng karampatang atensyong medikal.

Sa ngayon, nasa halos 200 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.