31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Mga mananamantala sa COVID-19 crisis sa bansa binalaan ni Duterte

- Advertisement -

Ibinabala ni Pang. Rodrigo Duterte na mananagot sa batas ang lahat ng mga mananamantala sa krisis na kinahaharap ng Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pangulong Duterte, umaasa siya na gagampanan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang parte sa laban ng gobyerno kontra COVID-19.

Aniya, hindi niya gugustuhin pang makatanggap ng mga report na nababahiran ng kulay pulitika ang krisis na kinahaharap ng Pilipinas kagaya na lamang aniya ng mga ulat na itinatago ang mga relief goods at financial assistance para sa mga residente.

Sinabi ng Pangulo, ipatutugis niya at ipakukulong ang sinumang opiyal ng gobyerno na mapatutunayang namimili ng binibigyang tulong.

Paliwanag ng Pangulo dapat na patas at pantay-pantay ang pagtulong ng mga kinauukulan at dapat aniyang isabuhay ng bawat filipino ang pagmamalasakit sa kapwa at ang pagiging makabayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -