Pinahintulutan na ng Dept. of Justice (DOJ) ang pagpapalabas at paggamit sa mga nakumpiskang medical items.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang hakbang na ito ay upang maibsan ang pangangailangan ng bansa sa mga medical supplies at dahil sa gitna ang pilipinas ng public health emergency.
Una rito, nabatid na hindi kasi maaring i-release ng DOJ ang mga nasabat na medical supplies dahil magsisilbi itong ebidensiya habang patuloy na dinidinig ng korte ang kaso laban sa mga naghohoard ng mga naturang suplay, at sa mga negosyante ibinebenta ito sa mas mataas na halaga.
Sinabi ni Guevarra, batid ng kagawaran ang tindi ng problemang kinakaharap ng pilipinas at ang labis na kakulangan sa mga medical supplies.
Gayunman, tiniyak naman ni Guevarra na hindi makaaapekto ang pag-release ng doj sa mga naturang medical supplies sa imbestigasyon ng mga otoridad.
Kabilang sa mga ilalabas na medical suplay ng DOJ ang mga thermal scanners, face masks, at mga dis-infectants gaya ng alcohol at sanitizers.