Mga kaalyadong kongresista ni Romualdez suportado ang pag-endorso ni Duterte sa speakership race

0
49

Suportado ng mga kaalyadong kongresista ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang ginawang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na House Speaker.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, napagkasunduan nilang 72 mambabatas na nagtutulak sa Speakership ni Romualdez na sundin ang pagpili ng pangulo kay Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano bilang speaker ng Kamara.

Anya, walang reservation ang naging pagsang-ayon ng kanilang grupo sa pangulo.

Kasabay nito, hiniling naman ni Salceda kay incoming majority leader na si Romualdez na magkaroon ng maayos na relasyon kay Cayetano.