28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mga makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo sa bansa ibinunyag na galing China

- Advertisement -

Nabunyag na galing sa China ang mga makinang ginagamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kung dati ay sigarilyo ang ipinupuslit papasok sa bansa ngayon ay mismong mga makina ang ipinapasok upang dito na mismo gawin ang mga pinepekeng kilalang brands ng sigarilyo.

Dahil dito, inatasan ni Dominguez sina Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Caesar Dulay at Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na makipag-ugnayan sa kanilang counterparts sa China upang mapigilan ang pagpasok ng mga makina nang walang naaayon na mga dokumento.

Base sa mga raids na isinagawa ng BIR, mas malilit o portable ang mga nakumpiska nilang makina at iba pang gamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo tulad ng packing machines, filter making machines, pekeng tax stamps at pekeng sigarilyo na nakalagay sa mga ginayang pakete ng kilalang brands.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -