29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

DOH may nilinaw ukol sa mga nais mag-volunteer laban COVID-19

- Advertisement -

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang alegasyong nire-require umano nila ang mga volunteers na pumirma ng waivers.

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang pinapapirmahan sa mga ito ay isang kasunduan kung saan nakasaad ang kanilang intensyon sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan laban sa COVID-19.

Nakapaloob din aniya dito na kinikilala ng ahensya ang panganib na susuungin ng isang volunteer kung kayat sila ay nararapat na mabigyan ng kaukulang benepisyo sa ilalim ng “Bayanihan To Heal As One Act”.

Batay sa nasabing batas, ang mga health workers na magpopositibo sa COVID-19 dahil sa pagsilbi sa bayan ay makakatanggap ng cash compensation na P100,000.

P1-M naman ang matatanggap ng pamilya ng isang health workers na masasawi sa paglaban nito sa COVID-19 sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -