Mahigit 5,000 na manggagawa na ang na-regular sa trabaho mula 2016

0
14

Pumalo na sa mahigit 5,000 manggagawa ang na-regular sa trabaho mula noong 2016.

Ito mismo ang kinumpirma ni Dept. of Labor and Empoyment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III kung saan sinabi nito na ang naturang paglobo ng mga naregular na manggagawa ay resulta ng pangako ng Duterte administration  na tuldukan na ang kontraktuwalisasyon.

Sa naturang bilang, sinabi ni Bello na 65% dito ay pagkukusa ng mga employer.

Gayunman, aminado naman ang kalihim na malayo pa ang tatahakin ng pamahalaan upang tuluyang mawakasan ang kontraktuwaklisasyon sa bansa.