Thursday, May 2, 2024

Mga maaring dumalo sa libing sa gitna ng COVID-19 pandemic nasa 30 lamang

- Advertisement -

Hanggang 30 lamang ang maaring dumalo sa mga libing o burial sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito mismo ayon kay Manila North Cemetery Administrator Roselle Castañeda, kung saan sinabi nitong nasa maximum na 30 lamang ang bilang ng mga maaring makipaglibing at kailangang mahigpit na sumunod ang mga ito standard health protocols.

Kabilang dito ang temperature check sa pagpasok sa sementeryo, pagsusuot ng face masks at face shields, at pati na ang pagbibigay ng impormasyon para sa contact tracing.

Matatandaang sa ilalim ng nilagdaang Executive Order number 38 ni Manila City Mayor Isko Moreno ay pansamantala nitong pinasasara ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa Manila City sa araw ng Undas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img