Mga lumalabag sa ordinansa sa M. Manila papalo na sa 500k—NCRPO

0
49

Malapit nang pumalo sa kalahating milyong katao ang naaresto ng NCRPO o National Capital Region Police Office dahil sa paglabag sa lokal na ordinansa.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, umakyat na sa kabuuang 426,497 ang nahuli mula Hunyo 13 hanggang ala-singko ngayong umaga, Oktubre 27.

Ang ilan sa mga naitalang paglabag ay ang paninigarilyo sa mga non-smoking areas, hindi pagsusuot ng damit pang-itaas, pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at paglabag sa curfew hours ng mga menor de edad.

Sinabi naman ni Eleazar na ang mga lumabag ay agad na pinakawalan matapos itong magbayad ng kaukulang multa.

Paglilinaw ni Eleazar, makakaasa ang taumbayan na paiigtingin pa ng NCRPO ang istriktong pagpapatupad ng local ordinances bilang pagpapanatili ng peace and order sa Metro Manila.

Ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)