Mga senador hati ang opinyon sa paglipat ni Lapeña sa TESDA

0
51

Hati ang opinyon ng mga senador sa paglipat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña bilang Director General ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, tama lamang ang paglipat kay Lapeña dahil kinakailangan na talagang i-overhaul ang Bureau of Customs o BOC.

Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva, bagama’t prerogative ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga kay Lapeña, hindi aniya naaangkop ito sa posisyon.

Hindi rin aniya dapat pinopromote ang isang opisyal na hindi kaya mapanagutan ang mga naging pagkukulang sa kanyang tungkulin.

Para naman kay Senador Panfilo Lacson, bagama’t mas mataas na posisyon ang ibinigay kay Lapeña, maituturing naman itong demotion sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo.

Samantala kinuwestiyon naman ni Senador Antonio Trillanes IV ang promotion na ibinigay ni Pangulong Duterte kay Lapeña.

Ayon kay Trillanes, posibleng gantimpala ng pangulo kay Lapeña ang ibinigay na posisyon dahil sa pananahimik nito tulad ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.