31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mga LGU na bigong sumunod sa quarantine guidelines, hindi papangalanan — Nograles

- Advertisement -

Hindi na pangangalanan pa ng Malacañang ang mga Local Government Unit (LGU) na bigong maipatupad ang quarantine guidelines ng pamahalaan sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ayon mismo kay Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, kung saan umapela ito sa publiko na itigil na ang pagtuturo sa gitna ng pandemyang kinahaharap ng bansa.

Sinabi nito, hindi na dapat pang magturuan ang mga LGU’s at hindi na kailangan pang intrigahin ng publiko ang mga lokal na pamahalaan na nakasusunod at hindi sa mga alituntunin ng pamahalaan

Aniya dapat na pairalin ng mga Filipino ang bayanihan at pagkakaisa sa panahon na ito upang malampasan ang aniya’y ‘tunay na kalaban ng mga Filipino’ ang coronavirus disease.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat istriktong ipatupad ng lokal na pamahalaan ang quarantine guidelines na ipinatutupad sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -